Nawa'y Maging Karapat-dapat - Rey Valdez - Sliding Lyrics




Nawa'y Maging Karapat-dapat

By Rey Valdez



Dumarating na ang mga sandaling
H'waring ako ay susuko na
Ang tawag ng mga tukso'y
parang lubid na saki'y humihila

Ngunit salamat aking Panginoon
Ikaw pa rin ang S'yang kumakalinga
At sa bawat sandali
Nadaramang laging kasama Ka

Ikaw ang S'yang patnubay ko
Pangarap t'wina sa mundong ito
Huwag ang mga kahinaan ko
Maging sanhi upang malayo sa 'Yo

Pagsubok na tila wala ng wakas
Tulungan Mo akong maging matatag
At mapagtagumpayan ko'ng lahat
Upang Sayo'y maging karapat-dapat

Ngunit salamat aking Panginoon
Ikaw pa rin ang S'yang kumakalinga
At sa bawat sandali
Nadaramang laging kasama Ka

Pagsubok na tila wala ng wakas
Tulungan Mong akong matatag
At mapagtagumpayan ko'ng lahat

Upang sa Sayo'y maging karapat-dapat
Upang sa Sayo'y maging karapat-dapat








No comments:

Post a Comment