Tagumpay Man O Kabiguan - Rey Valdez - Sliding Lyrics






Tagumpay Man O Kabiguan

By Rey Valdez


Tila kay daling magpasalamat sa Diyos
Sa mga pagpalang lagi Niyang kaloob
Ngunit kung may dusa at may kalungkutan
Tila ba kay hirap ang Siya'y pasalamatan

Tila ba kay hirap magbigay ng papuri
Kung mga kabigua'y nadaramang lagi
Natitirang pag-asa‘y tila ba maglalaho
Sa nadaramang paghihirap ng puso

Ngunit ang pangako Niya'y
wag kang maninimdim
Pagkatapos ng gabi, araw ay darating
Luha sa mga mata'y Kanyang papahirin
Paghihirap ng puso'y Kanyang papawiin

Sa lahat ng sandali Siya'y pasalamatan
Buhay man may tagumpay o may kabiguan
Pangako ng Diyos ay
lagi mong panghawakan
Di N'ya tayo iiwan o pababayaan

Dahil ang pangako Niya'y
wag kang maninimdim
Pagkatapos ng gabi, araw ay darating
Luha sa mga mata'y kanyang papahirin
Paghihirap ng puso'y Kanyang papawiin

Ngunit ang pangako Niya'y
wag kang maninimdim
Pagkatapos ng gabi, araw ay darating
Luha sa mga mata'y Kanyang papahirin

Paghihirap ng puso'y Kanyang papawiin
Paghihirap ng puso'y Kanyang papawiin








No comments:

Post a Comment