Sa Lahat Ng Dako - Rey Valdez - Sliding Lyrics



Sa Lahat Ng Dako

By Rey Valdez


Sa lahat ng dakong malinis at malinaw
ang Dios ay matatagpuang tunay
Sa lahat ng ating galaw at paglalakbay
ang Dios ay lagi nating kaagapay

Hindi tayo mag-iisa o mabibigo
Laging ang Dios ay kasamang totoo
Ang Dios ay laging nasa lahat ng dako
Siya laging kanlungan, kaibigang totoo

Sa dulo man ng lupa ay naroon ang Dios
Sa ilalim ng dagat, sa gitna man ng unos
Tumawag ka at laging S'ya ay tutugon
Ang Dios ay laging handang tumulong

Tumawag at laging S'ya ay tutugon
Ang Dios ay laging handang tumulong
Pagkat Siya'y laging nasa lahat ng dako
Laging ang Dios ay kasamang totoo

Ang Dios ay matapat sa Kanyang mga pangako
Habang panahon ay hindi S'ya magbabago
Sa lahat ng dakong malinis at malinaw
ang Dios ay matatagpuang tunay

Sa lahat ng ating galaw at paglalakbay
ang Dios ay lagi nating kaagapay









No comments:

Post a Comment