Sinasamba Kita - Sliding Lyrics



Sinasamba Kita



Verse I.

Mula sa putik ako'y hinango, nilinis at binago
Walang kasing dakila ang pag-ibig Mo

Verse II.

Di ko malilimutan ang iyong mga kabutihan
Habang ako'y nabubuhay ito ay taglay

Refrain I.

Labi ko'y sambit ang papuri
Ang puso ko'y umaawit
Dios noon at kailanpaman
Dakila ang iyong kabutihan

Verse III.

Ang buhay ko't kalakasan, sa'Yo lamang ilalaan
Bilang isang pag-aalay sa'Yong harapan

Refrain II.

Di man sapat upang maiganti ang lahat kong inaari
Dios buong pagpakumbabang aking sinasambit

Chorus.

Sinasamba Kita, pinupuri Kita
Ang pangalan Mo'y itaas
Sinasamba Kita, pinupuri Kita
Dios sa buhay ko'y dakila Ka

(Repeat Verse III, Refrain and Chorus)

Bridge.

Alam kong ako'y nakita Mo
Hatulan Mo ayon sa pag-ibig Mo
Itong buhay ay inaalay ko
Ito ang tanging magagawa ko

(Repeat Chorus)







No comments:

Post a Comment