Sapat Na Higit Pa ( Ikaw ang Aking Pastol ) - Musikatha - Sliding Lyrics



Sapat Na Higit Pa ( Ikaw ang Aking Pastol )

Musikatha


Di mangangamba sa kawalan
pagpapala Mo'y laging laan
Di matatakot sa panganib
pagka't naririyan Ka palagi

Di matitinag sa pagsubok
ang pagsama Mo'y tiyak at lubos
Di mapipigil sa pag-awit
pagka't Ikaw ay mabuti
Paka't Ikaw ay mabuti

Ikaw ang aking pastol
hindi magkukulang
Sapat na at higit pa
Biyaya Mo'y sagana at umaapaw
Sapat na at higit pa

Sapat na sa lahat kong pangangailangan
Higit pa sa lahat kong inaasahan
Wala na ngang mahihiling pa
Pagka't Ika'y sapat na
Ika'y sapat na at higit pa







No comments:

Post a Comment