Dakilang Katapatan - Papuri Singers - Sliding Lyrics




Dakilang Katapatan - Papuri Singers



Verse I.

Sadyang kay buti ng ating Panginoon
Magtatapat sa habang panahon
Maging sa kabila ng ating pagkukulang
Biyaya Niya'y patuloy na laan

Verse II.

Katulad ng pagsinag ng gintong araw
Patuloy Siyang nagbibigay tanglaw
Kaya sa puso ko't damdamin
Katapatan Niya'y aking pupurihin

Chorus I.

Dakila Ka, O Diyos,
Tapat Ka ngang tunay
Magmula pa sa ugat ng aming lahi
Mundo'y magunaw man, maaasahan Kang lagi
Maging hanggang wakas nitong buhay

Verse III.

Kaya O Dios Ika'y aking pupurihin
Sa buong mundo'y aking aawitin
Dakila ang Iyong katapatan
Pag-ibig Mo'y walang hanggan

(Repeat Chorus)

Chorus II.

Dakila Ka O Dios sa habang panahon
Katapatan Mo'y matibay na sandigan
Sa bawat pighati't
tagumpay man ay naroon
Daluyan ng pag-asa
kung kailanga'y hinahon

Pag-ibig Moy alay sa'min
noon hanggang ngayon
Dakila Ka O Dios







No comments:

Post a Comment